Friday, November 25, 2011

Alam mo ba? - My Binondo Girl

Richard Yap - Chowking Commercial
ALAM MO BA?


Alam mo ba na si Chen Sy, papa ni Jade Dimagiba sa palabas na My Binondo Girl ng ABS-CBN, ay ang chef sa chowking TV commercial?

Richard Yap - Chen Sy



Tuesday, November 22, 2011

Bakit Masarap ang Tapsilog?

Ang mga Pilipino ay kilala bilang mahihilig sa pagkaing convenient. Yun bang 'On The Go' at instant. Kaya nga tuwing may unos, ano ang unang ipinapakain? Mga noodles, canned goods - kasi, ito ay madaling ihain at ikalawa, nasa panlasa na ng mga Noypi. Para bang naka-format na ang taste buds natin para sa mga ganitong pagkain.

Isa sa mga pinaka-sikat na pagkaing convenient ng Pinas ay ang Tapsilog. Bakit? Dahil sa isang plato ay makikita mo na ang lahat ng sustansyang hinahanap mo para magpalakas sa iyong araw.
Tapsilog

Pero, ano nga ba ang TAPSILOG? Ang Tapsilog ay ang pina-ikling "TAPA , SINANGAG at ITLOG" Ito ay isang dish kung saan makikita ang kanin o mas madalasa na 'Sinangag' o 'Fried Rice'. Kasama nito ang dalawang ulam. Karne na iyong gusto at itlog. Ang kadalasang luto ng itlog ay 'buo' o 'Sunny-side Up'. Pero pwede mo ring ipa-request na gawing 'scramble' yung itlog mo.

Bakit kaya ito ang naisip ng .... uhmm .. kung sino man ang nag-imbento nito?
Marahil ay naisip niya na ang mga Pilipino ay mahilig sa karne at sa itlog. Tignan niyo ang kadalasang kinakain ng mga Pilipino: Menudo (Karne), Adobo (Karne), Afritada (Karne), Kare-kare (Karne), Litson / Lechon (Karne) at iba pa. Sa itlog: Mayonnaise, Leche Flan, Balot, Penoy, Kwek-kwek, Rellenong Bangus, Omellete, Egg Sandwich, Fried Chicken (Breading), at iba pa. Hindi nga nagkamali ang imbentor ng napakasarap na dish na ito. Pumatok nga kay Juan dela Cruz ang nasabing pagkain.

Ano pa ba ang ibang 'set' na pwedeng isali sa SILOG series? Heto...

Daingsilog / Dasilog: Daing, Sinangag, Itlog
Hotsilog: Hotdog, Sinangag, Itlog
Bacsilog: Bacon, Sinangag, Itlog
Chicksilog: Chicken, Sinangag, Itlog
Longsilog: Longganisa, Sinangag, Itlog
Cornsilog: Corned Beef, Sinangag, Itlog
SPAMsilog / Masilog: Maling/SPAM/Luncheon Meat, Sinangag, Itlog
Tocilog: Tocino, Sinangag, Itlog
Porksilog: Porkchop, Sinangag, Itlog
Ito lamang ang ilan sa common combination ng 'silog' series. Sabi ko nga kanina, halos lahat ng pwede mong maisip na ulam ay pwede mo ng ipares sa 'silog' series. Naaalala ko ngang meron kaming "Burgersteaksilog" sa school namin.

Hindi alam ng iba pero meron pang ibang series. Ito naman ang "KAPLOG" series. Ano naman ito ngayon? Ito ang KAPE at ITLOG series. Narito ang ilan lamang sa 'kaplog' series:

Pakaplog: Pandesal, Kape at Itlog
(Ano kamo ang Pan de sal? Heto!)
Panaplog: Pancit, Kape, Itlog
Tulad ng 'silog' series ay pwede mo ring ipares lahat ng maisip mo sa 'kaplog' series. Pwedeng empanada, turon, barbeque at kahit Ice cream - kung kakaiba ka kumain.

Marami pang napakasarap na pagkain ang ihahain ng mga Pilipino sa kani-kanilang hapag. Kaya kung Pilipino ka, wag kang makuntento lang sa iisang pagkain. Napakarami mo pang mahahanap sa Pinas!

Sertipikadong Astig! | Gawang Orihinal ni EMPinoy!

Sunday, November 20, 2011

Ano at Saan ang Quiapo Church?

Quiapo Church
Ang Simbahan ng Quiapo ay isang simbahan ng Romano Katoliko na matatagpuan sa Quiapo, Maynila sa Pilipinas. Tinatawag din bilang Basilika Menor ng Nazareno, sikat ang simbahang ito dahil sa eskultura ng Itim na Nazareno. Naitayo ito noong 1582 at nakaligtas sa pagkapugnaw ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa kabila ng pagkasira ng nasa paligid nito. Napinturahan ang simbahan ng krema pagkatapos masunog ang orihinal na Mehikanong gusaling Baroque noong 1928.

[http://tl.wikipedia.org/wiki/Simbahan_ng_Quiapo]
Silipin ito sa WikiPedia!

Saturday, November 19, 2011

Saan Galing ang Yoyo?

Sinaunang Yoyo
Taas, baba, taas, baba. Hmm. Ano ito? Ano pa kundi ang laruan na Yoyo! Hindi lang laruan kundi sinasabing ginamit din ito ng ating mga ninuno bilang armas o weapon laban sa mga mananakop.

Saan nga ba galing ang salitang "Yoyo"?
Ito ay galing salitang Ilokano na "yóyo" na ang ibig sabihin ay "halika-halika" o "come-come".

Basahin ang buong kasaysayan ng Yoyo sa:
Wikipedia.com (I-click ang link na ito)

Narito ang isa sa magagaling na Yoyo player sa Pilipinas. Marahil ay kilala niyo siya. Narito ang isang video mula sa Talentadong Pinoy ng TV 5 - YOYO TRICKER!

Bakit Masarap Ang Pagkaing Lako - Tanong ni Juan dela Cruz

 Bakit Masarap Ang Pagkaing Lako - Tanong ni Juan dela Cruz

TAHOOOOO! BALOOOOOT! Ting-Ting, Ting-Ting O binatog! Puto, kuchinta! Buko! Ito ang ilan sa mga bagay na mahal na mahal natin sa bansang Pinas... mga pagkaing lako. Pero bakit nga ba naging paborito ni Juan dela Cruz ang mga ganitong uri ng pagkain?

Taho Vendor
Hanggang ngayon ay tanong ito sa aking isipan: Bakit oatuloy na lumalaki at tinatangkilik nating mga Pinoy ang pagkaing nilalako sa mga lansangan? May tatlong salitang aking ibibigay: 3M - Mura, Masarap at Maginhawa.

Sa panahon ngayon ay bibihira o halos wala ka nang makikitang murang bilihin. Ika nga sa joke, "Ang presyo ng sardinas, tumataas. Ang presyo ng gasolina, tumataas ... aba, si Gloria na lang ang hindi!". Kaya kahit sa kabila ng kahirapan ay makakatagpo pa rin tayo ng mga pagkaing makakabusog sa atin sa presyong "sale". Biruin mo, sa pera ni Utoy na limang piso ay may mabibili pa siya. Sa kinupit na sampung piso ni Impeng ay may merienda na siya. At sa tirang baong bente ni Ineng ay pwede na siyang mabusog hanggang kinabukasan. Kaya bilib ako sa mga Pilipinong kahit konti lang ang tubo nila sa paninda ay ayos lang, makapagpakain lang ng kapawa nila. Kaya dahil dyan sa mga nabanggit, hayan ang unang M - Mura.

Fishball Vendor
"Mura nga, masarap ba?" Marahil ay maitatanong mo yan sa akin kung hindi ka kumakain ng lakong tinda. Pero heto na nga ang tanong: Bakit masarap ang tindang lakong Pilipino? Napaka-simple lang ang sagot, dahil ang mga tindang ito ang kinalakihan na natin. Unconsciously, nasasanay ang ating taste buds sa lasa nitong mga nasabi. Pero hindi yun ang pinakadahilan, ang tunay na dahilan ay dahil ang karamihan ng tindang ito ay produkto mismo ng ating bansa. Ilan sa mga ito ay: Buko, Pakwan, Pinya, Balot, Penoy, Taho, Melon, Kalamay, Ice Buko at iba pa. Ewan ko kung ito nga ang dahilan o baka talagang may hiwaga lang talaga sa bawat subo natin ng nasabing pagkain - M - Masarap.

Heto na ang huling 'M'. Hindi lang mura at masarap ang mga bogtsi na 'to. Ito rin ay maginhawa o konbinyente o convenient. Bakit kamo? Dami mong tanong ah. Hahaha. Dahil ang karamihan nitong mga pagkaing ito ay makikita mo paglabas mo ng bahay, papunta sa palengke, pauwi galing school at kung saan pang lupalop ng bansa. At kadalasan eh 'Moving' stores ito dahil ito nga ay "Inilalako". Kuchinta at biko sa bilao, ice candy sa styro,ice buko sa styro - na may gulong, manggang hilaw, buko, melon, pakwan sa kariton, goto at lugaw sa kariton - na stainless at binatog sa baldeng nasa bisekleta. M - Maginhawa.

Iba't ibang lalagyan, iisang serbisyo. Heto lang ang iiwan ko, mabuhay ka Pilipino!

Urban Legend - Halimaw sa Robinson's Galleria

Robinson's Galleria
Bata pa lang ako ay kalat na ang tsismis tungkol sa half-snake,half-man na halimaw DAW sa Robinson's Galleria. Ito daw ang kakambal ng may-ari ng Robinson na si Robina Gokongwei.

Ayon sa kuwento, may mga ladies' fitting room na may 'secret hatch' na bigla kang mahuhulog sa kuta ng sinasabing halimaw. Ginagawa daw ito ng halimaw dahil syempre sino ba naman ang magkakagusto sa isang kalahating tao at kalahating ahas?

Robina Gokongwei
May balita rin na nabiktima na nito si Alice Dixson. Binayaran lang daw ng malaking halaga si Dixson para hindi niya ikalat ang nakakapanghilakbot na halimaw.

Alin ang totoo at alin ang kuro-kuro?

Friday, November 18, 2011

Gang ng Bubble Gang!

Bubble Gang Logo
Matagal na ring ume-ere ang tropa ng Bubble Gang. (Labindalawang)[edit] Labing-anim na taon na rin silang nagbabahagi ng katatawanan sa bawat tahanan ng Pilipino. Hindi ko man naabutan ang mga unang episodes nito, lumaki pa rin ako sa paligid nina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Ruffa Mae Quinto, Antonio Aquitania, Maureen Larazabal, Diego at iba pa!

Hindi ko lubos maisip kung paano nag-iisip ang mga writer nila ng mga jokes at skits para sa nasabing programa. Ano kaya ang ginagawa ng mga writer habang sinusulat ang mga ito? Personal experiences kaya ang sinusulat ng iba?

Mula pa noon, isa sa mga paborito ko sa casts nila ay si Bitoy at si Ogie Alcasid. Ang tandem ng dalawa ay hindi matatawaran. Parang bagong ReyCards (kahit 'di ko sila naabutan), Dolphy at Panchito o Redford at Babalu. Si Bitoy yata ang nagpasikat ng Tagalized version ng ilang sikat na awiting banyaga at patuloy din naman siya sa pagsulat ng sariling mga kanta. Isa sa pinakabagong naaalala ko ay ang kantang 'Baby'. Si Ogie naman ang nagpauso ng Pick-up lines na walang kakwenta-kwenta pero click pa rin sa atin. Di ko talaga alam kung anong kiliti ang binibigay nila sa atin para tayo ay tumawa kahit na minsan eh korni na ang mga patawa.

Siguro ay masusundan pa ang entry na ito na tungkol sa Bubble Gang sa susunod pang mga araw.
Ito muna ang iiwan kong isang video.

Ano ba Ang GM? - Tanong ni Juan dela Cruz

Ano ba Ang Isang GM?

Hindi maiaalis na ang Pilipinas ang isa o baka nga ang pinaka-active o aktibo sa pagtetext. Mula sa ating mga kapatid sa 'less fortunate' hanggang sa pinakamataas ay may cellphone. Maghirap man lahat, ang mga kabataan ay mayroon pa ring pang-load sa kanilang cellphone. Kaya hindi magkandaugaga ang Globe, Smart at Sun sa pagpapakulo ng mga promo para tangkilikin ang kanilang kumpanya.

Mabalik tayo sa tanong, ano nga ba ang isang GM? GM ay ang inisyal ng pinaikling "Group Message". Ito rin ay maaaring nangangahulugang "General Message". So, ano ngayon ang group message? Ang group message ay ang grupo sa iyong contacts, maaaring kaibigan, kaklase o pamilya, kung saan sila ang piling tao na siyang makaka-receive ng iyong text message. Ang GM ay kadalasang naglalaman ng status ng sender na parang status sa Facebook o Twitter.

Ano naman ang kadalasang laman ng isang GM bukod sa status ng sender? Ang GM ay kadalasan ding naglalaman ng mga jokes, quotes, inspirational messages, love stories at syempre yung message na para lang naman talaga sa isang tao ngunit gine-generalize para hindi mahalata. Narito ang ilang halimbawa ng isang GM na na-receive ko:
-------------------------------
"I believe YOU're my HEALER!"

-- ayun lang, Natapilok sa may 
hagdanan. Haha! Sakit ng paa ko.
-- ilakad na lang to ng mawala
ang sakit :P

.kamusta ka?
------------------------------

Kung mapapansin, nariyan ang lahat ng nabanggit nating elemento ng GM. May quote, status at pangungumusta. Madalas ding makikita sa isang GM ang isang utos. Oo utos! Halimbawa:

------------------------------
I'm talking to MySelf (;

Because I like talking
to Intelligent People.

Good Afternoon creatures :D.
Text ka naman.

Kain na ng lunch ha. Wag
Magpagutom.

Oh Common.

GM_
Solo solo.

------------------------------

Oh di ba! Nakit niyo ba ang utos? Dalawang utos meron dyan. Hindi lang utos kundi may pangungutya pa. Ang pagtawag sa akin bilang isang "CREATURE" ay pangungutya! hahaha. At ang dalawang utos ay ang "Text ka naman" at "Kain na ng lunch ah". Aba, daig pa ang nanay ko! Pero yan ang uso so 'wag na tayong makialam.

Narito naman ang isang joke GM:


------------------
"kUnG GinAhaSa kA ng CRUSH
m0,
hIndi Rape ang TawAg dun!







Kundi DREAM COME TRUE!" U

hahaha :D kdot!

Gudnayt. SytdReams

Gm.

------------------------------

O, astig di ba? hahaha. Kung makikita nio ay isa pa rin siyang GM dahil sa nakalagay na "Gm." sa dulo. Madalas ding ginagawa ang tulad niyan na may mahabang spaces para may surprise o thrill yung next page.

Pagdating talaga sa text at text ideas ay wala nang tatalo pa sa text ng mga Pinoy! Mabuhay!

Larong Pilipino - Piko

Larong Pilipino - Piko

Bago pa ang DOTA, Counterstrike, Facebook o Twitter, ang mga larong Pilipino ang tunay na nauna pagdating sa paglilibang ng mga bata. Isa nga sa pinakamasayang laro ay ang "Piko" o sa Ingles ay tinatawag na Hop-Scotch.

 Kasaysayan ng Piko
Piko
Medyo magulo raw ang pinagmulan ng larong piko o hop-scotch. Dati ay tinatawag din itong Scotch-Hoppers. Sinasabing nagmula ito sa Imperyo ng mga Romano.
[Para malaman ang buong kasaysayan, basahin ito sa WikiPedia]

Paano ba Laruin Ang Piko?
Ang piko ay nilalaro sa lupa o sahig. Kailangan mong talunan ng tama ang nakalagay na numero kung ilang hakbang ng paa ang kailangan. Kailangan mong ibato ang pamato sa unang number, sa ikalawang turn mo ay sa ikalawang number at so on at so fort. Kapag narating mo ang dulo ay babalik ka sa simula ngunit kailanagan mo ng kunin ang pamatong binato mo kanina. 

Halos wala kang gagastusin sa paglalaro nito dahil ang pamatong gamit mo ay kahit anong bagay na makikita mo sa paligid. Ang panulat naman ay pwede na yung tig-pipisong chalk o yeso sa sari-sari store o malapit na bookstore.

Ano ang pwedeng pamato? Tulad nga ng sabi ko kanina, halos kahit anong makita mo. Pwedeng tansan, bato, takip ng ballpen, tsinelas at kahit yung upos ng sigarilyo.

Thursday, November 17, 2011

Paskong Pinoy - Putobumbong

Putobumbong
 PASKONG PINOY - Puto Bumbong

Ano pa bang kulay lila (violet) ang makikita mo tuwing kapaskuhan? Sa parol? ENGGK! Wala namang violet dun ah. Sa christmas tree? ENGGK! Hindi rin dude! Pula at bughaw ang nanduon eh. Sige na nga, sirit na? Ano pa kundi ang ka-partner ng bibingka - PUTO BUMBONG!

Ang putobumbong ay isa rin sa ipinagmamalaking kakanin ni Juan dela Cruz. Teka, hindi mo alam kung ano ang putobumbong? HWAAT?! Iyon yung kulay violet na niluluto sa tubong maliliit. Tinataktak ng tindero ang tubo para mahulog ang putobumbong. Ito ay kadalasang nakabalot sa dahon ng saging.  Kasama ang niyog, ito ang tunay na ka-partner ng bibingka! Parang dinuguan at puto, kare-kare at bagoong, pandesal at kape.

Ano ang Puto Bumbong ayon sa WikiPilipinas?

Puto Bumbong is a type of puto or rice cake named after the bamboo tube in which it is steamed. It is unusual among puto, being sticky and having a long thin shape and purple color. The elongated shape results from the method of cooking while its color comes from the violet pirurutong rice it is made of. It is served with grated coconut and brown sugar. Along with bibingka, it is often served outside churches around Christmastime.



Ano ang lasa ng puto bumbong? Medyo matabang na mahirap i-explain kaya kailangan mong tikman personally! Saan makakahanap nito? Aba, kalat ito sa buong Plipinas kapag kapaskuhan. Ngunit ang pinakamadalas mong kakikitaan nito ay sa tapat ng mga simbahang Katoliko tulad ng Quiapo Church, Baclaran etc.

Paano Magluto ng Puto Bumbong?
Narito ayon sa website na mixph.com
Ingredients:
  • 1 kg Malagkit/galapong (glutinous) rice,  mixed with 125 grams ordinary rice
  • 1/5 tsp. Lilac or violet food coloring
  • Pandan leaves
  • Salt
  • 1 pc Shredded mature coconut
  • Butter or margarine
  • Banana leaves
  • Water
  • Sugar
Preparation and Cooking
  1. Soak pre-ground malagkit/galapong or glutinous rice and ordinary rice mixture in salted water with lilac/violet food coloring for 1-4 hours. Let dry overnight by putting inside a flour sack.
  2. Put something heavy on top to squeeze out water.
  3. Mixture is ready for cooking the following morning.
  4. Or to manually grind rice mix – Slowly grind using a stone grinder or manual grinder. Do not put too much water in while grinding. It will delay drying of milled ingredients. Too much water on the other hand will cause the mixture to be sticky. Put milled ingredients onto cotton cloth and tie corners of the cloth. Let drip. When the mixture is almost dried, press by using a heavy object to remove excess water. Let stand overnight.
  5. Place pandan leaves in water to be steamed. Heat steamer (lansungan) with enough water.
  6. Put a small amount of rice mixture inside bamboo tubes (bumbong) about3/4′s full.

Happy cooking and happy eating!
Sundan pa ang Paskong Pinoy Entries!

Isang Umaga sa Bansang Pilipinas | EMPinoy

Pan de sal
Ano ba ang nagpapasarap sa umaga nating mga Noypi? Naku, napakarami! Magbibigay lang muna ako ng dalawa ngayong umaga.

Hinding-hindi mawawala ung ultimate almusal ni Juan dela Cruz. Milyong Pilipino na ang binusog ng tinapay na ito sa loob ng mahabang dekada. Naalala kong may palabas pa nga na ipinangalan sa pandesal. Ito ay ang "Peter Pandesal" na pinagbidahan ni Nino Muhlach. (Ooops! Hindi ko naabutan ang premiere niyan ah. Napanood ko lang. 18 pa lang ako no!)

Bakit nga kaya pandesal / pan de sal ang paborito nating almusal? Ang pandesal kasi ay naisasawsaw sa ating paboritong kape, ito rin ay maaaring paresan ng halos kahit anong palaman. Maaaring butter, keso, cheese spread, reno, margarine, tirang corned beef kagabi at kahit bagoong kung ganoon ka man mag-trip.

Ang "Pan de sal" ay mula sa mga salitang Espanyol na nangangahulugang "Salt Bread" o maalat na tinapay. Sa Filipino ay "Tinapay na may asin". Nagtataka lang ako pero wala namang asin ang kinain kong pandesal kanina.

Leonel Garbage Truck
Ang ikalawang nagpapasarap sa ating umaga ay hindi pagkain o mahal sa buhay. Bibigyan ko kayo ng clue. "TING-TING!", "HONK!", "Ikaw lalake! Gabi ka na naman umuwi! Alam mo bang hinihintay ka ng mga anak mo kagabi!". Tingin ko ay alam niyo na. Paglabas pa lang kasi natin ng bahay ay 'yan na ang sasalubong sa atin. Mahirap mang aminin ngunit ang ingay ng kalsada ng Pilipinas ang kumukumpleto sa salitang Pilipinas.

Umaga pa lang ay bubulabugin ka na ng napakaingay na busina ng Leonel. Sabi nga, "Kung hindi ka pa nagigising ng busina ng Leonel eh hindi ka pa Pilipino". Sa iba nga eh ginagawa ng alarm clock ang busina nito dahil hindi pa yata pumapalya ang pangongolekta nila ng basura sa harap ng inyong mga tahanan.

Katulad din ng Leonel, ang ilan pa sa mga nambubulabog tuwing umaga ay: Jeepney na humaharurot, ang barker ng Jeepney na humaharurot, pagmumura ng babaeng kapitbahay, tunog ng poso ng tubig na iniigib, pagpedal ng mga pedicab at siyempre hilik na mga lasenggerong hanngang tangahali ay tulog pa rin sa pasemano ng bahay niyo.

Wednesday, November 16, 2011

Paskong Pinoy - Bibingka

Habang tumatakbo ang oras sa buwan ng Disyembre, unti-unti nang nagsusulputan ang iba't ibang kulturang Pilipino.

Isa sa mga pinakapaborito ko ay ang pagkain sa araw ng pasko! Ito, para sa akin, ang pinakamasarap na kakanin ng bayan ni Juan. Sumabay pa ito sa pinakapaborito kong panahon ng taon - PASKO! Tama ang iniisip mo, wala na ngang iba kundi ang BIBINGKA!

Keso, itlog, itlog na pula, asukal, margarine, Dairy Creme, ham at niyog - Yan ang tunay na 'Special Order' ng isang bibingka! Personally, keso talaga ang pinakamasarap na sangkap ng bibingka!

Ngunit ano nga ba ang nagpapasarap ng tunay sa isang bibingka ni Juan dela Cruz? Niyog ba? Star Margarine? O Niyog? Maaari. Ngunit ang isa sa tunay na sikreto ay ang pagluluto nito sa palayok sa ibabawa ng nagbabagang kalan de uling! Pero hindi pa rin ito ang nagpapasarap sa bibingka, ang pagkain ng bibingka kasama ang iyong mahal sa buhay ang tunay na nagpapasarap dito.






Sundan pa ang ilang kabanata ng Sigaw-ng-Pinoy Christmas Special!

Pinoy Big Brother (PBB) Trivia of the Day

NINA JOSE
               Alam mo ba?

Alam mo ba na si Nina Jose na dating housemate ni kuya ay kasalukuyang may project sa TV 5. Ito ay sa palabas na: The Jose and Wally Show Featuring Vic Sotto bilang isang TV crew?

Luto-Luto Sa Labanang Pacquiao vs. Marquez

Ito ay isang sanaysay na ipinasa ko sa aking isang subject. Pinagawa kami ng propesor namin ng sanaysay tungkol sa huling laban ni Pacquiao at Marquez... heto ang naisulat ko: (hindi ko napanood ang laban. Kaya kung may mali sa naisulat ko ay pasensya na po)

Pacquiao at Marquez
"...and still the WBO welterweight champion of the world... Manny "Pacman" Pacquiao!" "BOOO!" Sandali, tama ba ang narinig ko, "booo!"?

Tinaguriang 'Pound For Pound King' si Manny dahil sa angking galing na kanyang ipinapakita hindi lang sa kapwa niya Pilipino kundi pati sa buong mundo (lalo na sa Mexico :P ). Ngunit ng nakaraang laban niya, tila ibang Pacman ang nakita dito. Tila hindi raw nagsanay si Pacman. Hindi naman natin masisisi si Pacman dahil sa pulikat niya sa gitna ng laban kaya hindi niya natapos si Marquez. Ang pulikat ba ang dahilan kung bakit nag-boo ang mga tao?

Ang sinasabing totoong issue sa resulta ng laban ay ang pagkakapanalo ng hurado kay Pacman by decision. Sabi ng iba, si Bob Aurum daw kasi ng Top Rank ang may dahilan. Ipinanalo daw niya si Pacman para sa pera. Sa laban daw kasing ito: kung mananalo si Pacman ay tuloy ang Pacquiao vs. Mayweather. Kaya ipinanalo si Pacman dahil para may mai-sponsor daw uli si Bob. Ngunit sabi-sabi lang naman ito.

Totoo man o hindi ay may isang bagay na hindi magbabago, TEAM PACQUIAO PA RIN AKO!

Ang Simula (First Blog Post)




Okay. Ito ang kauna-unahan kong blog post sa internet. Bakit nga ba ako nag-blog? Kasi medyo inaantok ako ng araw na sinusulat (/tina-type) ko itong blog entry. Hahaha.

Ano nga ba ang aasahan ng mga reader's (kung meron man) dito sa blog na ito? Well, iba-iba. Sabihin na nating lahat ng bagay na pumapasok sa utak ng isang pilipino. Nangangako ako na gagawin ko lahat ng aking makakaya upang mapaganda ang bawat entry na inyong mababasa.

Kung nag-enjoy kayo sa mga post ko, ipakalat ang balita sa iba! Haha! Nakapag-share ka na ng nakakatuwang blog, may readers pa ako! Team work ito dude!

Pwede niyo rin akong mahanap sa FaceBook... well, next time ko na lang sasabihin .. hahaha :D