Ang mga Pilipino ay kilala bilang mahihilig sa pagkaing convenient. Yun bang 'On The Go' at instant. Kaya nga tuwing may unos, ano ang unang ipinapakain? Mga noodles, canned goods - kasi, ito ay madaling ihain at ikalawa, nasa panlasa na ng mga Noypi. Para bang naka-format na ang taste buds natin para sa mga ganitong pagkain.
Isa sa mga pinaka-sikat na pagkaing convenient ng Pinas ay ang Tapsilog. Bakit? Dahil sa isang plato ay makikita mo na ang lahat ng sustansyang hinahanap mo para magpalakas sa iyong araw.
|
Tapsilog |
Pero, ano nga ba ang TAPSILOG? Ang Tapsilog ay ang pina-ikling "TAPA , SINANGAG at ITLOG" Ito ay isang dish kung saan makikita ang kanin o mas madalasa na 'Sinangag' o 'Fried Rice'. Kasama nito ang dalawang ulam. Karne na iyong gusto at itlog. Ang kadalasang luto ng itlog ay 'buo' o 'Sunny-side Up'. Pero pwede mo ring ipa-request na gawing 'scramble' yung itlog mo.
Bakit kaya ito ang naisip ng .... uhmm .. kung sino man ang nag-imbento nito?
Marahil ay naisip niya na ang mga Pilipino ay mahilig sa karne at sa itlog. Tignan niyo ang kadalasang kinakain ng mga Pilipino: Menudo (Karne), Adobo (Karne), Afritada (Karne), Kare-kare (Karne), Litson / Lechon (Karne) at iba pa. Sa itlog: Mayonnaise, Leche Flan, Balot, Penoy, Kwek-kwek, Rellenong Bangus, Omellete, Egg Sandwich, Fried Chicken (Breading), at iba pa. Hindi nga nagkamali ang imbentor ng napakasarap na dish na ito. Pumatok nga kay Juan dela Cruz ang nasabing pagkain.
Ano pa ba ang ibang 'set' na pwedeng isali sa SILOG series? Heto...
|
Daingsilog / Dasilog: Daing, Sinangag, Itlog |
|
Hotsilog: Hotdog, Sinangag, Itlog |
|
Bacsilog: Bacon, Sinangag, Itlog |
|
Chicksilog: Chicken, Sinangag, Itlog |
|
Longsilog: Longganisa, Sinangag, Itlog |
|
Cornsilog: Corned Beef, Sinangag, Itlog |
|
SPAMsilog / Masilog: Maling/SPAM/Luncheon Meat, Sinangag, Itlog |
|
Tocilog: Tocino, Sinangag, Itlog |
|
Porksilog: Porkchop, Sinangag, Itlog |
Ito lamang ang ilan sa common combination ng 'silog' series. Sabi ko nga kanina, halos lahat ng pwede mong maisip na ulam ay pwede mo ng ipares sa 'silog' series. Naaalala ko ngang meron kaming "Burgersteaksilog" sa school namin.
Hindi alam ng iba pero meron pang ibang series. Ito naman ang "KAPLOG" series. Ano naman ito ngayon? Ito ang KAPE at ITLOG series. Narito ang ilan lamang sa 'kaplog' series:
|
Pakaplog: Pandesal, Kape at Itlog |
(Ano kamo ang Pan de sal? Heto!)
|
Panaplog: Pancit, Kape, Itlog |
Tulad ng 'silog' series ay pwede mo ring ipares lahat ng maisip mo sa 'kaplog' series. Pwedeng empanada, turon, barbeque at kahit Ice cream - kung kakaiba ka kumain.
Marami pang napakasarap na pagkain ang ihahain ng mga Pilipino sa kani-kanilang hapag. Kaya kung Pilipino ka, wag kang makuntento lang sa iisang pagkain. Napakarami mo pang mahahanap sa Pinas!
|
Sertipikadong Astig! | Gawang Orihinal ni EMPinoy! |
|
No comments:
Post a Comment