Bubble Gang Logo |
Matagal na ring ume-ere ang tropa ng Bubble Gang. (Labindalawang)[edit] Labing-anim na taon na rin silang nagbabahagi ng katatawanan sa bawat tahanan ng Pilipino. Hindi ko man naabutan ang mga unang episodes nito, lumaki pa rin ako sa paligid nina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Ruffa Mae Quinto, Antonio Aquitania, Maureen Larazabal, Diego at iba pa!
Hindi ko lubos maisip kung paano nag-iisip ang mga writer nila ng mga jokes at skits para sa nasabing programa. Ano kaya ang ginagawa ng mga writer habang sinusulat ang mga ito? Personal experiences kaya ang sinusulat ng iba?
Mula pa noon, isa sa mga paborito ko sa casts nila ay si Bitoy at si Ogie Alcasid. Ang tandem ng dalawa ay hindi matatawaran. Parang bagong ReyCards (kahit 'di ko sila naabutan), Dolphy at Panchito o Redford at Babalu. Si Bitoy yata ang nagpasikat ng Tagalized version ng ilang sikat na awiting banyaga at patuloy din naman siya sa pagsulat ng sariling mga kanta. Isa sa pinakabagong naaalala ko ay ang kantang 'Baby'. Si Ogie naman ang nagpauso ng Pick-up lines na walang kakwenta-kwenta pero click pa rin sa atin. Di ko talaga alam kung anong kiliti ang binibigay nila sa atin para tayo ay tumawa kahit na minsan eh korni na ang mga patawa.
Siguro ay masusundan pa ang entry na ito na tungkol sa Bubble Gang sa susunod pang mga araw.
Ito muna ang iiwan kong isang video.
No comments:
Post a Comment