Monday, December 19, 2011

SMP - Samahan ng Malalamig ang Pasko

SMP - Samahan ng Malalamig ang Pasko
ni: Kuting

           “Sana magkaroon ako ng laptop…gusto ko ng iPad…sana mayroon akong kotse…gusto ko ng kamera…” Ilan lamang iyan sa mga nais nating makuha ngayong Pasko. Madami tayong sana at gusto, bagong cellphone, damit o kahit anong uso ngyon. Pero, para sa mg SMP diyan sa tabi-tabi, isa lang ang kanilang kahilingan, ang maging “single” to “in a relationship” ang kanilang “status”.

Parol
            Samahan ng mga Malalamig ang Pasko, iyan ang ibig sabihin ng SMP. Samahan ito ng mga taong mag-isa ngayong Kapaskuhan. Ang mga kasapi nito’y ang mga taong nawalan ng kulay ang kanilang buhay pag-ibig, mga taong basted o kaya hiniwalayan ng boyfriend o girlfriend. Walang makapagsasabi kung saan o sino ang nagpauso nito pero iisa lang ang sigurado, marami ang kasapi nito kaya ito kumakalat. Hindi sa ayaw ng kasama rito ang Kapaskuhan, sila lang iyong mga atong hindi napapansin ang mga taong nagmamahal sa kanila, ate,kuya,mama,papa,lolo,lola at iba pang mga taong nasa kanilang tabi. Sila ang mga taong hindi napapansin ang tunay na diwa ng panahong ito dahil sa kanilang ‘status”.

            Mapa-single, “it’s complicated”, “engaged”, “married” o “in a relationship” ang status mo ngayong Kapaskuhan, sana’y uwag nating kalimutan ang dahilan ng ating pagdiriwang. Sana’y huwag nating kalimutan na ang panahon na ito ay para sa tunay na nagmamahal sa atin, ang Panginoong Jesus na tunay na nagbigay ng kulay hindi lamang sa ating buhay pag-ibig kundi sa ating buong buhay. Sana ang SMPng alam natin ngayon ay maging Samahan ng mga Masasaya ang Pasko.

              Malamig man ang pasko mo sa syota, hwag kalimutang mag-init sa nag-iisang Manlilikha. Maligayang Pasko mga NoyPi!

Maligayang Pasko mga kapatid!


(Salamat sa sanaysay na ito ni Kuting)

No comments:

Post a Comment