Wednesday, December 21, 2011

Sanaysay - "Delikado" ni: EMPinoy

Narito ang isang halimbawa ng SANAYSAY.

DELIKADO
ni: EMPinoy

        Ang mga Pilipino ay kilala bilang isa sa mga lahing matapang, palaban, at walang inuurungan. Ngunit, hindi ko lubos maisip ay ang katapangan natin kahit sa mga bagay na masasabi nating delikado.
         Masasabing ang isang bagay ay delikado kung ito ay magsusulot ng kapahamakan sa iyong sarili o mas malala ay madamay pa ang ibang tao.
        Narito ang lima lamang sa mga pinakadelikadong bagay at pangyayari sa Pilipinas.
         Ikalima sa pinakadelikadong bagay ay ang litson / lechon. Alam naman natin na tayong mga Pilipino ay isa sa pinakamatakaw na lahi sa buong mundo. Ito ay hindi dahil sa gusto lang nating sumikip ang kapaligiran. Ito ay dahil sa gusto nating sa kinagigiliwan nating mga sangkap ng bawat ulam na ating inihahain. Ingat-ingat lang mga bro sa ating main attraction - ang litson! Sabi ng iba, "balat pa lang, ulam na". Sabi ko naman, "Balat pa lang, 50-50 ka na."
        Ikaapat sa ating countdown ay ang pag-uwi sa Tondo nang gabi. Walang mao-offend ha. Taga-Tondo rin ako ngunit, sa totoo lang ay kailangan talaga ng ibayong ingat kapag uuwi dito dahil kapag hindi ka nag-ingat ay baka mamalayan mo na lang na may ice pick ka sa likod mo. 
       Ikatlo sa listahan natin ay ang sobrang pagpapaganda ng mga kadalagahan sa jeep. Lahat ng sobra ay delikado. Ang sobrang laking hikaw ay delikado sa mata ng snatcher. Ang sobrang ikling shorts naman ay delikado sa presensya sa mata ng isang manyak.
       Ang pagsasama naman ng dalawang taong hindi dapat magsama ang nasa ating ikalawa sa listahan. Halimbawa: hindi dapat magsama ang taong hindi dapat kumanta at taong hindi dapat uminom sa isang KTV bar. (joke mula kay Pol Medina)
       At ang nangungun sa pinakadelikadong bagay sa PIlipinas ay ang sitwasyong kapag inaway ang isang Pinoy ay all hell breaks loose. Mayroon noong isang Chinese national na sinabing "land of slaves" daw ang Pilipinas. May isang katagang sinabi sa isang episode ng Desperate Housewives na nagdahilan upang magpanting ang tenga ng lahat.
        Lima lamang yan sa pinakadelikadong bagay sa Pilipinas. Nasa ating desisyon at mga kamay kung ano ang tamang gawin. Laging tandaan na ang kapalit ng hindi pag-iingat ay kapahamakan.


Inaamin ko mismo na hindi gaanong maganda ang sanaysay na ito. Medyo mahina itong gawa kong ito para sa akin.

No comments:

Post a Comment