Ang Mabuhay Singers
Mabuhay Singers |
Sa personal, hindi ko talaga kilala o naabutan ang Mabuhay Singers. Ayon sa aking mga naulinigan mula sa aking mga tatay at nanay, sila raw ay isa sa pinakamagaling na grupo ng mang-aawit sa Pilipinas. Hindi ako sigurado ngunit sa pagkarinig ko rin ay katulad sila ng Madrigal Singers.
Paano ko ba sila naisipang ilagay dito? Dumadaloy sa ugat ko ang purong pagka-Pilipino. Hinding-hindi ko kalilimutan ang pundasyon ng lahat ng mang-aawit natin ngayon. Ngunit, tulad nga ng sabi ko, hindi ko sila naabutang sumikat. Paano ko sila nagustuhan? Isang beses kasi, habang papunta kami sa simbahan, narinig kong pinatutugtog ito sa taxi na aming sinasakyan. Ito ay ang awiting “Ikaw Ang Mahal Ko”. Hindi ako sigurado kung sila ang orihinal o ang kanilang bersyon ay rendisyon lamang.
Sino sila ayon sa WikiPedia :
Ang Mabuhay Singers ay pangkat ng mga mang-aawit sa Pilipinas na nabuo noong 1958 at naging soloista ang ibang kasapi katulad nina Cely Bautista, Rau Lucero at iba pa.
Nabuo sila sa pamamagitan ng Villar Records bilang pinagsamang pangkat ng dalawang grupo — ang Tres Rosas, na binubuo nina Carmen Camacho, Nora Hermosa, at Raye Lucero; at ang the Lovers Trio, na binubuo nina Chi Lucerio, Floro San Juan, at Ador Torres. Napasama minsan bilang kasapi ang ibang mga Filipino mang-aawit katulad nina Ruben Tagalog, Cely Bautista, Ric Manrique, Jr., Rita Rivera, Don David, Flor Ocampo, Noel Samonte, Betty Rivera, Robert Malaga, at Everlita Rivera. Nakagawa ng mahigit sa 100 mga album ang Mabuhay Singers, na nailabas pa sa internasyunal na komersiyo. Naglalaman ang kanilang mga awitin ng mga tradisyunal at makabagong musikang Filipino sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at may mga ilan na awitin na nasa Ingles at Kastila.
Noong 1973, ginawaran sila ng Philippine Records Association ng parangal para sa kanilang mga mabentang mga album.
Narito ang kanilang awiting aking nagustuhan:
No comments:
Post a Comment