Thursday, March 15, 2012

Ano ang Sanaysay | EMPinoy

Sanaysay


Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Pormal o Maanyo

Ang sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. katulad ng Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong tangang pagbibiro.

Impormal o Di-pormal

Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

----------------------------------


Marahil hindi namamalayan ng marami sa atin ngayon, pero ang sanaysay ang pinaka nagagamit nating uri ng panitikan, lalo na dahil marami na ngayong mga instrumento dahil sa internet upang ipamalas natin ang ating kakayahan sa pagsulat. Pero ano nga ba ang pormal na depinisyon ng sanaysay? 

Ang sanaysay, o essay sa Inggles ay isang uri ng panitikan na kalimitang naglalaman ng hinuha ng may akda tungkol sa iba't ibang bagay. May dalawang uri ng sanaysay, ang pormal at impormal. Karamihan ng manunulat ngayon na may kani-kaniyang blog ang nakakagawa ng impormal na sanaysay. Subalit hindi dapat isipin na lahat ng akda ay maituturing na isang impormal na sanaysay. May mga natatanging elemento parin na dapat isaalang-alang bago masabing ang isang akda ay sanaysay, pormal man o impormal.  

Ang pormal na sanaysay ay tinatawag ding maanyo sa kadahilanang ito ay hindi lamang tumutukoy sa kahit anong paksa lamang. Ang pormal na sanaysay ay dapat pinag-aralan ang pinag-ukulan ng matinding pagsasaliksik upang mabigyang linaw ang paksang nais talakayan ng may akda. Isang halimbawa ng mga maanyong sanaysay ay ang pinapagawa sa iba't ibang paaralan tuwing may isinasagawang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay. Kadalasan, may isang partikular na tema kung saan lamang dapat iikot ang nilalaman ng sanaysay na isusulat ng mga kalahok. Isang halimbawa ng tema na maaaring ipatalakay sa isang pormal na sanaysay ay ang nalalapit na pambansang eleksiyon sa 2010.  

Isa pang katangian ng pormal o maanyong sanaysay ay ang pagiging kumprehensibo nito. Hindi lang dapat puro personal na opinyon ang nilalaman ng isang pormal na sanaysay, kundi nakabatay sa isang malawakang hagap. Kung hindi man, kahit papaano'y dapat may pinagbabasehan ang bawat kurokuro na ipinapabatid sa sanaysay. Isa pa, mas mahigpit ang pamantayan ng paggamit ng mga salita sa pormal na sanaysay.  

Sa kabilang banda, ang impormal o di pormal naman na uri ng sanaysay ay maituturing na mas malaya kung ang pag-uusapan ay ang mga paksang maaaring talakayin at ang mga salitang maaaring gamitin. Kung ang natatanging layunin ng pormal na sanaysay ay magbigay linaw sa isang itinakdang paksa, ang layunin naman ng impormal na sanaysay ay magbigay-aliw sa mga mambabasa o magbahagi ng sariling opinyon o karanasan tungkol sa isang bagay. Ang mga paksang maaaring gamitin sa uri ng sanaysay na ito ay mas malawak, mula sa mga araw-araw na isyu hanggang sa mga personal na karanasan. Maliban pa sa nasabi, hindi rin kailangang ganon katatas ang pagsulat sa sanaysay.  

Ang isa pang importanteng kaibahan ng dalawang uri ng sanaysay ay ang pananaw ng pagsulat o point of view. Ang pormal na sanaysay ay gumagamit ng obhektibong pananaw samantalang ang impormal na sanaysay ay gumagamit ng subhektibong pananaw


>SANGGUNIAN<


 PAUNAWA: Hindi po si EMPinoy ang sumulat nito. Ito ay nanggaling lamang sa mga sangguniang nakalagay sa ilalim ng post.

No comments:

Post a Comment