Thursday, March 15, 2012

Mga Elemento ng Tula | EMPinoy

ELEMENTO NG TULA


1) Sukat - tumutukoy sa bilang ng bawat pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin.
2) Tugma - tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod. May dalawa itong uri. Ang Ganap, kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod. Ang Di-ganap, kapag magkakapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod.
3) Mga Tayutay - ito ay sadyang paglayo, sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. Ang sumusunod ay mga uri ng tayutay:
  • Pagtutulad (Simile)
  • Pagwawangis (Metaphor)
  • Pagmamalabis (Hyperbole)
  • Pagbibigay ng Katauhan (personification)
  • Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)
  • Pagtawag (Apostrophe)
  • Pag-uyam (Irony)
4) Larawang-diwa (imagery)- mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
5) Simbolismo (symbol) - salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.




---------------
SANGGUNIAN: [Baisa, A., Lontoc, C., & del Rosario, M. (2005). Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan III. Quezon City: Phoenix Publishing House]

 PAUNAWA: Kung ilalagay ang nakasulat dito sa pahinang ito sa anumang pangangailangan, siguruhing ilagay ang website o web address na ito dahil dito ito nakuha.

No comments:

Post a Comment