Thursday, March 15, 2012

Buod ng Kapitan Sino ni Bob Ong | EMPinoy


 Ito ay buod ng nobela ni Bob Ong na "Kapitan Sino". Ito ay ibinuod ni EMPinoy ng per kabanata (ang pagbubuod ay sa bawat kabanata)


(Unang Kabanata)
Kapitan Sino
            Kinulit na naman si Rogelio ng bata. Pilit kasi itong bumibili ng chichiria sa shop ni Rogelio Manglicmot. Hindi na kasi ito tindahan bagkus ay repairing shop na ngunit sumikat ang shop sa karatulang Hasmin’s Eatery. Pag-alis ni Ging-ging, ang pangalang ibinansag ni Rogelio sa batang makulit, tumuloy na si Rogelio sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit.

(Ikalawang Kabanata)
            Kumakain ang pamilya Manglicmot kung saan nagkaroon ng kaunting sagutan. Kinahapunan, bumalik si Rogelio sa shop. Dito nagsimulang mapansin ni Bok-bok, ang matalik na kaibigan ni Rogelio, ang kapangyarihan ni Rogelio. Nag-brownout sa kanilang lugar ngunit ang bumbilya sa ulunan ni Rogelio ay nakasindi pa rin.

(Ikatlong Kabanata)
            May isang lalaki ang nakikinig sa isang recording ng isang duktor na nagpapaliwanag tungkol sa isang kakaibang sakit. Ang duktor sa recording ay si Dr. Chua na sumakabilang-buhay na.

(Ikaapat Kabanata)
            Sa shop, si Bok-bok ay pilit kinukulit si Rogelio ukol sa sinasabing kapangyarihan nito. Sa panig naman ni Rogelio, ayaw niyang tanggapin ang sinasabing kapangyarihan. Sa dulo ay nakumbinsi ni Bok-bok si Rogelio na gamitin ang kapangyarihan niya sa kabutihan. At bigla namang may sumigaw sa labas, humihingi ng tulong.

(Ikalimang Kabanata)
            Ang kumpol ng tao ay nasa shop ni Rogelio at sabay-sabay na nanonood ng Newswatch sa Channel 13 sa Magnavox TV na ipinapagawa kay Rogelio. Kasalukuyan ibinabalita ang ginawang palpak na kabayanihan ng isang ninja. Isinabit niya kasi ng ninja suspek sa isang mataas na lugar. Kaya naman tinawag itong palpak pagkat isang pakwan lang pala ang ninakaw nito at ayos lang naman daw sa may-ari.
Pagkasara ng TV ni Rogelio, nagkuwentuhan ang dalawang magklaibigan. Tinawanan ni Bok-bok si Rogelio sa kanyang ginawa. Nabansagan pa siya ng kaibigan na Ninjang Hubad at Super Yagit dahil wala pa itong pangalan.

(Ikaanim na Kabanata)
            Mainit ang ulo ni Aling Baby habang kasama ang kanyang mga anak papauwi sa kanilang bahay nang makita sila ng isang pamilyar na lalaki sa isang van. Inalok ng drayber ng van na sumabay na sila. Pumayag naman sila Aling Baby. Ikinuwento ni Aling Baby ang tungkol sa kanyang asawang nasa ibang bansa.
            Nang makababa na sila Aling Baby, nakasalubong ng drayber si Mercy. Ang drayber pala ay si Mayor ... o mas gustong tawaging Omeng na lang.

(Ikapitong Kabanata)
            Sa shop, ipinakita ni Bok-bok kay Rogelio ang isang patalastas sa pahayagan. Ang Khumbmela daw ay tinawagan ni Bok-bok upang magtanong ng pagpapagawa ng costume ni Rogelio. Tulad ng inaasahan ni Bok-bok, hindi nagustuhan ni Rogelio ang presyo ng costume kaya nagdala rin ito ng mga ready-made na damit.
            Naroon din si Tessa, bulag na matalik din nilang kaibigan, na siyang nagtahi at nag-ipon ng mga costume na nasa kahon na pagpipilian ni Bok-bok.

(Ikawalong Kabanata)
            Si Aling Precious at kumpol ng kanyang mga anak ay nasa isang hanay ng upuan sa kalsada ng Pelaez. Doon ay nakipagkuwentuhan si Aling Precious sa naka bisikletang si Mang Berto.

(Ikasiyam na Kabanata)
            Ang tatlo ay nasa shop na naman upang kumpletuhin ang costume ni Rogelio. Binigyan siya ng isang kulay pilak na helmet. Ayos naman daw sa pakiramdam asabi ni Rogelio.
            Sa kanilang pagkukulitan ay may narinig si Rogelio na nagsasabing “Holdap!”. Kaya tumungo ito kaagad sa Bangko Suico. Palpak na naman si Rogelio dahil isa pala itong shooting ng pelikula.

(Ikasampung Kabanata)
            Oras na para tumulong sa kapwa si Rogelio. Una niyang hinuli ay isang carnapper at sumunod ay isang kidnapper. May lalake ring nagpaabot ng pusa niyang naipit sa puno. Kumalaban din siya ng mga halimaw kung saan siya ay nagtagumpay. Isa pang pagsubok ay nang mawalan ng control ang isang tren ng PNR. Mabuti at naroon si Rogelio para sumaklolo. Sa pagtulong niyang iyon ay kinilala siya bilang Kapitan Sino.

(Ikalabing-isang Kabanata)
            Sa isang kumpol ay nagtsitsimisan na naman ang mga tao ng Pelaez tungkol sa kumakalat na halimaw.

(Ikalabing-dalawang Kabanata)
            Nangulit na naman si Bok-bok sa shop habang seryosong nagkukumpuni ng sirang vaccum cleaner si Rogelio at siya naman ay nagtitiris ng garapata ni ET, ang aso ni Rogelio. Doon ay nag-isip sila ng maaaring pangalan ni Rogelio. Naisip ni Bok-bok na Mighty Man ngunit hindi nagustuhan ni Rogelio. May sarili naman itong panukala ... Super Strength daw na agad namang tinawanan ni Bok-bok. Habang humahalakhak si Bok-bok ay nakita naman ni Rogelio ang mga bata sa labas na naglalaro. Ang pangalang Kapitan Sino ang kanyang naririnig. Lumingon-lingon pa sila at puro Kapitan Sino ang kanilang nakikita. Mula sa t-shirt, poster, sticker at headline ng tabloid.

(Ikalabing-tatlong Kabanata)
            Si Tessa at Rogelio ay nakakita ng lugar na pwedeng makapagkuwentuhan. Isang gabi sa itaas ng Sto. Domingo church habang nakatanaw sa bayan ng Pelaez.
            Doon ay nagkuwentuhan, nagkulitan at nagkatapatan ang dalawa at nakaramdam ng kanilang pagmamahalan.

(Ikalabing-tatlong Kabanata)
            Kumakalat na sa Pelaez ang balitang may isang halimaw daw na kumakalat at dumudukot ng mga biktima. Isang gabi, nang patulog na si Rogelio ay may narinig itong tinig. Lumabas ito at napadpad sa isang madilim na lugar. Doon ay nakaharap niya ang sinasabing halimaw ng Pelaez. Sa loob ng lumang ospital ay nagbanatan at naglaban ang bayani at ang halimaw. Nang manghina ang halimaw ay lumabas si Mayor Suico. Ang halimaw pala ay ang anak niyang si Michael na may kakaibang katauhan. Kailangan daw ni Michael ng dugo. Maya-maya’y bumulwak na ang dugo mula sa tagiliran ni Michael dahil nagsgas mula sa kinakalawang na tubo ng lababo.
            Matapos ang laban, naalala ni Rogelio ang biktima. Nakita niyang ito pala’y si Tessa. Ngunit balewala ang pagligtas niya dito dahil wala nang buhay si Tessa.

(Ikalabing-apat na Kabanata)
            Sa dati pa ring tambayan makikita sina Mang Berto, Mang Boy, Aling Precious at mga anak nito, Aling Chummy at si Anghelang manicurista.
            Sa umpukan ay walang ibang ginawa kundi magtsismisan tungkol sa nangyaring kababalaghan kagabi. Wala ring katapusan sa kwentuhan tungkol kay Kapitan Sino.

(Ikalabing-limang Kabanata)
            Natapos na naman ang isang araw na puno ng aksyon para sa ating bayani. Sa kanyang oras ng pagpapahinga sa bahay ay may gumambala. Ang kanyang amang si Mang Ernesto. Sa oras na napanghihinaan ng loob si Rogelio, nariyan naman ang kanyang amang magpapalakas ng kanyang katatagan. Nag-usap ang mag-ama at napaiyak naman si Aling Hasmin.

(Ikalabing-anim na Kabanata)
            Dumating ang araw kung saan naisipan ng mga taga-Pelaez, sa pangunguna ng bise mayor na si Virgilio Samonte. Malaki ang piging na naihanda. May mga artista pang kinuha ang bise mayor. Sa araw na iyon ay itinakdang bigyan ng P30,000 si Kapitan Sino bilang pasasalmat. Ngunit, maraming naghangad dito kaya suot-suot ang costume ni Kapitan Sino ay nagsulputan ang mga pekeng Kapitan Sino.
            Nang magkagulo na ang madla, isang lalaki ang naghagis ng granada. Tumakbo ang lahat. Pagkaalis ng usok ay nakita ni Aling Precious na dinaganan pala ni Rogelio ang granda – patunay na siya ang tunay na Kapitan Sino.
            Sugatan ay sinampal ito ni Aling Chummy. Kinausap ni Bok-bok ang humahagulgol na si Aling Chummy kung bakit. Wala raw ginawa si Kapitan Sino noong mamatay ang asawa niya sa lung cancer. Wala nang nagawa ang mga taga-Pelaez kundi hulihin at ikulong si Rogelio at si Bok-bok (kasabwat daw).

(Ikalabing-pitong Kabanata)
            Sa loob ng presinto ay walang magawa ang magkaibigan kundi magpustahan na lang tungkol sa kanilang mga paboritong cartoons. Nagalit man ang pulis na nagbabantay ay tuloy pa rin ang dalawa.
            Maya-maya ay may narinig silang balita sa transistor na nakabukas. Sinasabi sa radio ang isang sakit na kumakalat na rin sa bansa.
            Ilang saglit ay tumayo at lumabas ang pulis nang makita ang mga taga-Pelaez na nagkakagulo sa labas.

(Ikalabing-walong Kabanata)
            Matapos ang kaguluhan at pagkabalita tungkol sa salot na kumakalat, nagkakagulo naman ngayon ang mga taga-Pelaez upang bumili ng mga pagkain. Kalat na ang tungkol sa sakit kaya hanggang simbahan ay sinasabi na ng pari na magugunaw na raw ang mundo.
            May nabalitaan sila na isang 42-anyos na lalaki raw ay namatay sa Palawan dahil sa hypovolemic shock. Kumlat ito sa mga tabloid na agad ikinatakot ng lahat.

(Ikalabing-siyam na Kabanata)
            Makalipas ang ilang araw ay nakarating na ang mga duktor ng CDC sa Pelaez. Nakapila ang lahat upang matignan ang mga dugo.
            Ilang oras pa ay mayroon na raw lunas ang kanilang sakit. Nakita ito ng isang Italyanong doktor sa dugo ni Rogelio. Kaya naman, kinuhanan nila ng dugo ang maysakit na si Rogelio. Ang nakuhang dugo sa kanya ay lampas sa tamang dugo lang na maaaring kunin.
            Hilonh-hilo si Rogelio na naglakad. May nakasalubong itong lalaking may hawak na bata. Tinanong siya nito kung nakakagamot ang dugo niya. Oo raw. Kaya sinaksak niya si Rogelio at isinawsaw ang kamay sa dugo ni Rogelio at ipinahid sa anak.

(Ikalabing-dalawampung Kabanata)
            Makalipas ang maikling panahon ay nawala na ang sinasabing kalunos-lunos na sakit sa bayan ng Pelaez. Kaya naman, ang bise mayor ay muling nagpaayos ng entablado para sa pagpapasalamat sa naging buhay ni Rogelio. Sa kanyang talumpati ay ibinahagi niya ang tulong na kanyang ginawa para sa pamilya ni Rogelio.
            Sa gitna ng talumpati ay umakyat sa entablado si Bok-bok at sinapak ang bise mayor. Huhulihin sana siya ngunit pinigilan ng mayor.
            Pagkababa ay lumapit si Ging-ging kay Bok-bok. Tinanong kung mag-aayos rin daw ba siya ng sira tulad ni Rogelio. Ang sagot naman ni Bok-bok ay... kung ano ang makakaya ko.

 PAUNAWA: Ito po ay buod na isinulat ni EMPinoy. Hindi po pinapayagan ang pag re-re-post nito. Kung ire-repost ay humingi ng permiso sa awtor.
Kung may nakitang kamalian sa nakasulat sa itaas ay ipagbigay alam sa pamamagitan ng paglalagay nito sa komento.

Sertipikadong Astig! | Gawang Orihinal ni EMPinoy!

53 comments:

  1. really helpful. God be with you!

    ReplyDelete
  2. hi mr. EMP. humihingi po ako ng permisyo para po magamit ko ang iyong artikolo sa aming gagawing takdang aralin. salamat po.

    ReplyDelete
  3. Hello po mr. author :) humihingi po ako ng permiso upang magamit ko po ang artikulong ginawa ninyo.. para lang po sa takdang aralin. :) salamat po

    ReplyDelete
  4. Ginoong EMPinoy!
    humihingi po ako ng permiso para sa paggamit ko po ng inyong akda para sa aking proyekto.
    salamats :D

    ReplyDelete
  5. Author Humihingi po ako ng permiso mula sa inyong binuod na mahahalagang detalye ng kabanata ng Kapitan Sino ni. Bob Ong. upang gamitin po sa aking suring nobela na tatalakayin namin sa ikaapat na marka bilang 4th yr high school.

    ReplyDelete
  6. Humihingi po ako ng permiso upang kumuha ng mahahalagang detalye sa inyong artikulo para isama ko sa aking Literary Analysis. Grado ko po ang nakasalalay dito. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  7. Mr. Author, pwede ko bang hingin ang iyong permiso tungkol sa iyong artikulo? ito ay para sa aking gagawing proyekto. maraming salamat.

    ReplyDelete
  8. Isang magandang pagbati po sa kanila. Ako po ay humuhingi ng permiso na kung maaari ko p bang magamit ang buod na inyo pong ginawa para po sa aking gagawin na proyekto sa paaralan. Maraming Salamat po sa inyong pag-unawa.

    ReplyDelete
  9. MAAARI KO PO BANG MAGAMIT ITO PARA SA AKING ASIGNATURA?MARAMING SALAMAT PO :)

    ReplyDelete
  10. Sir :D
    Pwede ko po bang gamitin ito para sa aking proyekto?
    Thank you po :D

    ReplyDelete
  11. hai sir nais ko po sana magpaalam na gagamitin ko po ang buod nyo sa Kapitan sino
    para po sa aming takdang aralin sa filipino

    ReplyDelete
  12. pahinging permisu

    ReplyDelete
  13. Sir pwede po bang gamitin ko ito para sa aking takdang aralin sa filipino??
    mraming salamat po
    nakatulong po ng husto

    ReplyDelete
  14. Helo mr EMP pwedo po ko itong gamitan para sa takdang arilin ko para sa filipino salamat pag opo ang sagot

    ReplyDelete
  15. ginoong emp pwede ko po bang magamit ang inyong akda para saaming proyekto salamat po.

    ReplyDelete
  16. Maari ko po bang gamitin ang iyong akda para sa isang proyekto sa aming subject

    ReplyDelete
  17. Ako po ay humihingi ng permiso ukol sa pag kopya ng buong buod ng Ang kapitan sino. kung inyo pong mamarapatin, maraming salamat po

    ReplyDelete
  18. humihingi po ako ng permiso na gamitin ang iyong gawa para sa takdang aralin

    ReplyDelete
  19. Humihingi ako ng permiso nagamitin ang iyong gawa para sa aking proyekto

    ReplyDelete
  20. niloloko mo ba c acoe??

    ReplyDelete
  21. Hi po Mr.Author. Maaari po ba akong makahingi ng will to live?

    ReplyDelete
  22. Hi po mr Empinoy. Maraming salamt po sa gawa mo malaki ang naitulong nito saakin. Maaari po ba akong makahingi ng fried chicken?

    ReplyDelete
  23. Hi po sir Empinoy nahingi lang po ako ng permiso upang magamit ang buod nyo sa aming book critic sa eskwelahan salamat po

    ReplyDelete
  24. Humihingi po ako ng permiso na magamit po ang inyong buod para bo sa book review po namin sa filipino 9

    ReplyDelete
  25. Ginoo hihingi ho sana ako ng permiso sa inyo na kung maaari ay gamitin ko ito para sa aking pagtatanggol?

    ReplyDelete
  26. Magandang gabi po! Maari ko po bang kopyahin ang nilalaman ng buod nito para sa aking proyekto? Maraming salamat po

    ReplyDelete
  27. Asking for permission to use this summary for assignment in Filipino subject

    ReplyDelete
  28. Asking for permission to use this summary for a paper in Filipino. -cjht

    ReplyDelete
  29. mali mali spell pangit basahin ano ba kasi tinitira mo? bato ka ng bato

    ReplyDelete
  30. Hi po! Humihingi po sana ako ng permiso na gamitin ko po ang ibang detalye para sa aking proyekto. Salamat po! ^_^

    ReplyDelete
  31. Mr/ginoong emp pwede ko po bang magamit ang inyong akda para sa aking proyekto? salamat po.

    ReplyDelete
  32. magandang gabi po! humihingi po ako ng permisyo upang hiramin itong akdang ito para po sa aming proyekto na gagawin. salamat po!

    ReplyDelete
  33. Pwedi ko po bang gamitin ito sa 21st century na report namin salamat po <3

    ReplyDelete
  34. Humihingi po ako ng permiso upang gamitin ang artikulo sa aming proyekto
    Salamat pp

    ReplyDelete
  35. Humihingi po ako ng permiso upang gamitin ang artikulo sa aming proyekto
    Salamat pp

    ReplyDelete
  36. Humihingi po ako ng permiso upang gamitin ang artikulo sa aming proyekto
    Salamat po

    ReplyDelete
  37. humihingi po ako ng permiso upang gamitin ang artikulo na ito para sa aking suring basa sa Filipino
    Maraming salamat po

    ReplyDelete
  38. Humihingi po ano ng aral sa kwento at reaksyon mula sa kwento

    ReplyDelete
  39. Isang magandang bati sa inyo sir😊 naway pahintulutan ninyo po akong gamitin itong artikulo na ito sa aming pag gawa ng buod tungkol dito😊😊

    ReplyDelete
  40. Ipag paumanhin nyu po nais ko pong kumuha ng kaunting ideya para sa aking nobela maraming salamat po sa unawa

    ReplyDelete
  41. Magandang araw, humihingin po sana aki ng permisong gamitin ang buod na ito para saming gawain, nawa'y ako'y inyong payagan, maraming salamat po.

    ReplyDelete
  42. can i have the permission to use this to our research?

    ReplyDelete
  43. hi Mr. Author,
    pede po mahingi ang inyong permiso sa buod ng Kapitan Sino.

    Maraming salamat po

    ReplyDelete
  44. Sir/ Mr Author nais ko pong Mahingi ang inyong permiso upang payagan akong gamitin ang buod sa kadahilanang kelangan ko lang po para sa aking project sanay maunawaan niyo po maraming salamat po

    ReplyDelete
  45. big help po T.T sana yung ibang akda rin po ni Bob Ong mayroon kayong buod T.T MARAMING SALAMAT DAHIL INYONG PINADALI ANG BUHAY Q T.T THANK YOUU SANA MASARAP ULAM NIU HSHSHSHSHSHSSHS

    ReplyDelete
  46. sir nais ko pong mahingi ang inyong permiso upang payagan akong gamitin ang buod sa kadahilanang kelangan ko lang po para sa aking pagsusulit maraming salamat po

    ReplyDelete
  47. nais ko pong humingi ng permiso sir, gagamitin ko po itong buod niyo sa aming pagsusulit maraming salamat po

    ReplyDelete