Ito ay buod ng nobela ni Bob Ong na "Kapitan Sino". Ito ay ibinuod ni EMPinoy ng per kabanata (ang pagbubuod ay sa bawat kabanata)
(Unang Kabanata)
|
Kapitan Sino |
Kinulit na naman si Rogelio ng bata. Pilit kasi itong bumibili ng chichiria sa shop ni Rogelio Manglicmot. Hindi na kasi ito tindahan bagkus ay repairing shop na ngunit sumikat ang shop sa karatulang Hasmin’s Eatery. Pag-alis ni Ging-ging, ang pangalang ibinansag ni Rogelio sa batang makulit, tumuloy na si Rogelio sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit.
(Ikalawang Kabanata)
Kumakain ang pamilya Manglicmot kung saan nagkaroon ng kaunting sagutan. Kinahapunan, bumalik si Rogelio sa shop. Dito nagsimulang mapansin ni Bok-bok, ang matalik na kaibigan ni Rogelio, ang kapangyarihan ni Rogelio. Nag-brownout sa kanilang lugar ngunit ang bumbilya sa ulunan ni Rogelio ay nakasindi pa rin.
(Ikatlong Kabanata)
May isang lalaki ang nakikinig sa isang recording ng isang duktor na nagpapaliwanag tungkol sa isang kakaibang sakit. Ang duktor sa recording ay si Dr. Chua na sumakabilang-buhay na.
(Ikaapat Kabanata)
Sa shop, si Bok-bok ay pilit kinukulit si Rogelio ukol sa sinasabing kapangyarihan nito. Sa panig naman ni Rogelio, ayaw niyang tanggapin ang sinasabing kapangyarihan. Sa dulo ay nakumbinsi ni Bok-bok si Rogelio na gamitin ang kapangyarihan niya sa kabutihan. At bigla namang may sumigaw sa labas, humihingi ng tulong.
(Ikalimang Kabanata)
Ang kumpol ng tao ay nasa shop ni Rogelio at sabay-sabay na nanonood ng Newswatch sa Channel 13 sa Magnavox TV na ipinapagawa kay Rogelio. Kasalukuyan ibinabalita ang ginawang palpak na kabayanihan ng isang ninja. Isinabit niya kasi ng ninja suspek sa isang mataas na lugar. Kaya naman tinawag itong palpak pagkat isang pakwan lang pala ang ninakaw nito at ayos lang naman daw sa may-ari.
Pagkasara ng TV ni Rogelio, nagkuwentuhan ang dalawang magklaibigan. Tinawanan ni Bok-bok si Rogelio sa kanyang ginawa. Nabansagan pa siya ng kaibigan na Ninjang Hubad at Super Yagit dahil wala pa itong pangalan.
(Ikaanim na Kabanata)
Mainit ang ulo ni Aling Baby habang kasama ang kanyang mga anak papauwi sa kanilang bahay nang makita sila ng isang pamilyar na lalaki sa isang van. Inalok ng drayber ng van na sumabay na sila. Pumayag naman sila Aling Baby. Ikinuwento ni Aling Baby ang tungkol sa kanyang asawang nasa ibang bansa.
Nang makababa na sila Aling Baby, nakasalubong ng drayber si Mercy. Ang drayber pala ay si Mayor ... o mas gustong tawaging Omeng na lang.
(Ikapitong Kabanata)
Sa shop, ipinakita ni Bok-bok kay Rogelio ang isang patalastas sa pahayagan. Ang Khumbmela daw ay tinawagan ni Bok-bok upang magtanong ng pagpapagawa ng costume ni Rogelio. Tulad ng inaasahan ni Bok-bok, hindi nagustuhan ni Rogelio ang presyo ng costume kaya nagdala rin ito ng mga ready-made na damit.
Naroon din si Tessa, bulag na matalik din nilang kaibigan, na siyang nagtahi at nag-ipon ng mga costume na nasa kahon na pagpipilian ni Bok-bok.
(Ikawalong Kabanata)
Si Aling Precious at kumpol ng kanyang mga anak ay nasa isang hanay ng upuan sa kalsada ng Pelaez. Doon ay nakipagkuwentuhan si Aling Precious sa naka bisikletang si Mang Berto.
(Ikasiyam na Kabanata)
Ang tatlo ay nasa shop na naman upang kumpletuhin ang costume ni Rogelio. Binigyan siya ng isang kulay pilak na helmet. Ayos naman daw sa pakiramdam asabi ni Rogelio.
Sa kanilang pagkukulitan ay may narinig si Rogelio na nagsasabing “Holdap!”. Kaya tumungo ito kaagad sa Bangko Suico. Palpak na naman si Rogelio dahil isa pala itong shooting ng pelikula.
(Ikasampung Kabanata)
Oras na para tumulong sa kapwa si Rogelio. Una niyang hinuli ay isang carnapper at sumunod ay isang kidnapper. May lalake ring nagpaabot ng pusa niyang naipit sa puno. Kumalaban din siya ng mga halimaw kung saan siya ay nagtagumpay. Isa pang pagsubok ay nang mawalan ng control ang isang tren ng PNR. Mabuti at naroon si Rogelio para sumaklolo. Sa pagtulong niyang iyon ay kinilala siya bilang Kapitan Sino.
(Ikalabing-isang Kabanata)
Sa isang kumpol ay nagtsitsimisan na naman ang mga tao ng Pelaez tungkol sa kumakalat na halimaw.
(Ikalabing-dalawang Kabanata)
Nangulit na naman si Bok-bok sa shop habang seryosong nagkukumpuni ng sirang vaccum cleaner si Rogelio at siya naman ay nagtitiris ng garapata ni ET, ang aso ni Rogelio. Doon ay nag-isip sila ng maaaring pangalan ni Rogelio. Naisip ni Bok-bok na Mighty Man ngunit hindi nagustuhan ni Rogelio. May sarili naman itong panukala ... Super Strength daw na agad namang tinawanan ni Bok-bok. Habang humahalakhak si Bok-bok ay nakita naman ni Rogelio ang mga bata sa labas na naglalaro. Ang pangalang Kapitan Sino ang kanyang naririnig. Lumingon-lingon pa sila at puro Kapitan Sino ang kanilang nakikita. Mula sa t-shirt, poster, sticker at headline ng tabloid.
(Ikalabing-tatlong Kabanata)
Si Tessa at Rogelio ay nakakita ng lugar na pwedeng makapagkuwentuhan. Isang gabi sa itaas ng Sto. Domingo church habang nakatanaw sa bayan ng Pelaez.
Doon ay nagkuwentuhan, nagkulitan at nagkatapatan ang dalawa at nakaramdam ng kanilang pagmamahalan.
(Ikalabing-tatlong Kabanata)
Kumakalat na sa Pelaez ang balitang may isang halimaw daw na kumakalat at dumudukot ng mga biktima. Isang gabi, nang patulog na si Rogelio ay may narinig itong tinig. Lumabas ito at napadpad sa isang madilim na lugar. Doon ay nakaharap niya ang sinasabing halimaw ng Pelaez. Sa loob ng lumang ospital ay nagbanatan at naglaban ang bayani at ang halimaw. Nang manghina ang halimaw ay lumabas si Mayor Suico. Ang halimaw pala ay ang anak niyang si Michael na may kakaibang katauhan. Kailangan daw ni Michael ng dugo. Maya-maya’y bumulwak na ang dugo mula sa tagiliran ni Michael dahil nagsgas mula sa kinakalawang na tubo ng lababo.
Matapos ang laban, naalala ni Rogelio ang biktima. Nakita niyang ito pala’y si Tessa. Ngunit balewala ang pagligtas niya dito dahil wala nang buhay si Tessa.
(Ikalabing-apat na Kabanata)
Sa dati pa ring tambayan makikita sina Mang Berto, Mang Boy, Aling Precious at mga anak nito, Aling Chummy at si Anghelang manicurista.
Sa umpukan ay walang ibang ginawa kundi magtsismisan tungkol sa nangyaring kababalaghan kagabi. Wala ring katapusan sa kwentuhan tungkol kay Kapitan Sino.
(Ikalabing-limang Kabanata)
Natapos na naman ang isang araw na puno ng aksyon para sa ating bayani. Sa kanyang oras ng pagpapahinga sa bahay ay may gumambala. Ang kanyang amang si Mang Ernesto. Sa oras na napanghihinaan ng loob si Rogelio, nariyan naman ang kanyang amang magpapalakas ng kanyang katatagan. Nag-usap ang mag-ama at napaiyak naman si Aling Hasmin.
(Ikalabing-anim na Kabanata)
Dumating ang araw kung saan naisipan ng mga taga-Pelaez, sa pangunguna ng bise mayor na si Virgilio Samonte. Malaki ang piging na naihanda. May mga artista pang kinuha ang bise mayor. Sa araw na iyon ay itinakdang bigyan ng P30,000 si Kapitan Sino bilang pasasalmat. Ngunit, maraming naghangad dito kaya suot-suot ang costume ni Kapitan Sino ay nagsulputan ang mga pekeng Kapitan Sino.
Nang magkagulo na ang madla, isang lalaki ang naghagis ng granada. Tumakbo ang lahat. Pagkaalis ng usok ay nakita ni Aling Precious na dinaganan pala ni Rogelio ang granda – patunay na siya ang tunay na Kapitan Sino.
Sugatan ay sinampal ito ni Aling Chummy. Kinausap ni Bok-bok ang humahagulgol na si Aling Chummy kung bakit. Wala raw ginawa si Kapitan Sino noong mamatay ang asawa niya sa lung cancer. Wala nang nagawa ang mga taga-Pelaez kundi hulihin at ikulong si Rogelio at si Bok-bok (kasabwat daw).
(Ikalabing-pitong Kabanata)
Sa loob ng presinto ay walang magawa ang magkaibigan kundi magpustahan na lang tungkol sa kanilang mga paboritong cartoons. Nagalit man ang pulis na nagbabantay ay tuloy pa rin ang dalawa.
Maya-maya ay may narinig silang balita sa transistor na nakabukas. Sinasabi sa radio ang isang sakit na kumakalat na rin sa bansa.
Ilang saglit ay tumayo at lumabas ang pulis nang makita ang mga taga-Pelaez na nagkakagulo sa labas.
(Ikalabing-walong Kabanata)
Matapos ang kaguluhan at pagkabalita tungkol sa salot na kumakalat, nagkakagulo naman ngayon ang mga taga-Pelaez upang bumili ng mga pagkain. Kalat na ang tungkol sa sakit kaya hanggang simbahan ay sinasabi na ng pari na magugunaw na raw ang mundo.
May nabalitaan sila na isang 42-anyos na lalaki raw ay namatay sa Palawan dahil sa hypovolemic shock. Kumlat ito sa mga tabloid na agad ikinatakot ng lahat.
(Ikalabing-siyam na Kabanata)
Makalipas ang ilang araw ay nakarating na ang mga duktor ng CDC sa Pelaez. Nakapila ang lahat upang matignan ang mga dugo.
Ilang oras pa ay mayroon na raw lunas ang kanilang sakit. Nakita ito ng isang Italyanong doktor sa dugo ni Rogelio. Kaya naman, kinuhanan nila ng dugo ang maysakit na si Rogelio. Ang nakuhang dugo sa kanya ay lampas sa tamang dugo lang na maaaring kunin.
Hilonh-hilo si Rogelio na naglakad. May nakasalubong itong lalaking may hawak na bata. Tinanong siya nito kung nakakagamot ang dugo niya. Oo raw. Kaya sinaksak niya si Rogelio at isinawsaw ang kamay sa dugo ni Rogelio at ipinahid sa anak.
(Ikalabing-dalawampung Kabanata)
Makalipas ang maikling panahon ay nawala na ang sinasabing kalunos-lunos na sakit sa bayan ng Pelaez. Kaya naman, ang bise mayor ay muling nagpaayos ng entablado para sa pagpapasalamat sa naging buhay ni Rogelio. Sa kanyang talumpati ay ibinahagi niya ang tulong na kanyang ginawa para sa pamilya ni Rogelio.
Sa gitna ng talumpati ay umakyat sa entablado si Bok-bok at sinapak ang bise mayor. Huhulihin sana siya ngunit pinigilan ng mayor.
Pagkababa ay lumapit si Ging-ging kay Bok-bok. Tinanong kung mag-aayos rin daw ba siya ng sira tulad ni Rogelio. Ang sagot naman ni Bok-bok ay... kung ano ang makakaya ko.
PAUNAWA: Ito po ay buod na isinulat ni EMPinoy. Hindi po pinapayagan ang pag re-re-post nito. Kung ire-repost ay humingi ng permiso sa awtor.
Kung may nakitang kamalian sa nakasulat sa itaas ay ipagbigay alam sa pamamagitan ng paglalagay nito sa komento.
|
Sertipikadong Astig! | Gawang Orihinal ni EMPinoy! |