Walang Kabuhay-buhay
ni: EMPinoy
Nakakatakot, nakakapanghilakbot, patay na ngunit lumalakad, padami sila ng padami. Saan ka kaya tatakbo kung nasakop na nila ang lugar na kinalulugaran mo?
Mula ng bata pa lang ako ay hindi ko na mapigilang matakot sa mga zombie movies. Hindi ako takot sa mga bampira, multo o manananggal, dito lang talaga. Kapag naiisip kong marami nang zombies, saan kaya ako tatakbo? Makakaligtas kaya ako? Yun ang sa tingin ko’y hindi ko pa masasagot.
|
Zombies |
Ano nga ba ang mga ‘zombies’? Ang zombie ay mga bangkay na nabuhay sa pamamagitan ng hindi maipaliwanag na kapangyarihan. Maaaring witchcraft o sorcery at maaari rin daw na hypnosis.
Mas sumikat naman ang mga zombies dahil sa mga pelikula. Partikular ang pelikulang gawa ng tinuturing na ‘Ama ng Zombie Horror Movies’ na si George A. Romero. Ang isa sa pinaka-sikat ay ang Night of The Living Dead.
Ukol naman sa ‘ika nga eh ‘pagpatay’ sa mga ito, kailangan daw puntiryahin ang ulo. Narito kasi ang utak ng zombie. Marami ring uri nito. May mabibilis, may mababagal at may mahilig kumain ng tao.
Ang isa sa pinaka-kinakatakutan natin ay ang December 21, 2012. Ito ang sinasabing paggunaw ng mundo. Isa raw sa posibleng paraan kung paano magugunaw ang mundo ay ang ‘Zombie Apocalypse’ kung saan masasakop tayo ng mga zombie.
Ayon sa National Geographic Channel (NatGeo), hindi raw imposible ang mga ganito. Maaaring mag-evolve ang isang virus mula sa dalawang pinagsamang virus. Parang SARS, mad cow disease o E-bola sabi nga ng NatGeo. Sa hinaharap daw, ang posibleng mangyari ay ma-infect ang utak ng isang tao. At sa pamamagitan ng pagpasa ng laway o rabies ay maaari kang mahawa.
Ang limang posible pang paraan ng pagkaroon ng zombie apocalypse ay: (1) Brain parasites, (2) neurotoxins, (3) the real rage virus, (4) neurogenesis at (5) nanobots.
Malawak ang sakop sa usaping ito. Hindi ito madali sa unang tingin ng isang tao. Sa ganitong kakaiba at posibleng phenomena, wala tayong ibang magagawa kundi mag-ingat, maghanda at ang pinakamahalaga ay magdasal. Sa isang malakas ng pwersa ng kasamaan, malakas na pwersa rin ang ating kailangan.
|
Sertipikadong Astig! | Gawang Orihinal ni EMPinoy! |