Juan, Nasaan na ang Po at Opo?
ni: EMPinoy
Magalang daw ang mga Pilipino. Ang masasabi ko, totoo ‘yan ... noon. Nasaan na nga ba ang paggalang natin ngayon?
Po at Opo ang dalawa sa ipinagmamalaki natin sa ibang mundo ‘pagkat tayo lamang ang gumagamit ng salitang ito bilang paggalang sa mga nakatatanda.
Paggalang sa nakatatanda |
Opo ay ang salitang mas magalang sa salitang ‘oo’. Po naman ay nagagamit din bilang paggalang. Ito ang mga salitang kinalakhan natin. Mas tama yatang sabihing ang kinalakhan naming mga ka-henerasyon ko. Hindi ko na yata kasi nakikita o naririnig ang paggamit ng makabagong henerasyong bata ng salitang po at opo. Naiinis ako ... ‘yan ang pakiramdam ko. Iniisip ko’y wala silang modo at hindi naturuan ng kanilang mga magulang. Nagpapasalamat nga ako’t naturuan ako ng aking magulang ukol sa salitang ito.
No comments:
Post a Comment