Wednesday, February 22, 2012

Kabutihan ng Ehersisyo

 
Kabutihan ng Ehersisyo


        Ang awitin ng Pinoy Novelty singer na si Yoyoy Villame na ‘Mag-exercise Tayo’ ang nagbigay inspirasyon sa marami nating kababayan na mag-ehersisyo tuwing umaga.
        Marami sa ating mga Pilipino ang tinatawag nating ‘health conscious’ lalo na ngayong bagong henerasyon. Hindi ko alam kung bakit mahalaga ang pigura ng isang tao. Kung sa bagay, para nga naman kaaya-aya tignan sa mata ng iba. Ngunit hindi lamang ang panlabasa na anyo ang pinapaganda ng ehersisyo. Gayundin ang ating kalusugan. Kahit ang simpleng paglalakad sa umaga ay mainam nang panlaban sa sakit. Ang ehersisyo kasi ang nagpapanatili na maging maayos ang takbo ng bawat bahagi ng katawan natin.
Ehersisyo (Pagbubuhat ng dumbell)

        Isang pagliliwanag na hindi lang matataba ang kailangan ng ehersisyo. Karamihan din sa mga tingin nating malusog ay hindi pala. Kadalasan nga ay mas malala ang pagiging hindi malusog ng mga payat kaysa sa matataba. Ito ay nagpapatunay na para sa lahat ang pag-e-ehersisyo.
        Mag-ehersisyo na tayo para sa mas maganda at malusog na kinabukasan.

1 comment:

  1. Casinos near me - Mapyro
    Casino 과천 출장마사지 in 1xbet app Monticello, NY 시흥 출장안마 with Mapyro. Find your way around 익산 출장안마 the casino, find where everything is 충주 출장샵 located with the best reviews, ratings,

    ReplyDelete